Monday 28 January 2019

Sa aking sariling kinabukasan

    Lahat tayo ay napapaisip tungkol sa ating kinabukasan. Ano nga ba ang ating kinabukasan? Ano na nga ba ating patutunguhan sa kabila ng ating pagsisikap? Ano na kaya ang magiging kalagayan ko sa mga lilipas na panahon? Ang hirap isipin diba, kaya't heto ako sumulat ng isang liham pansarili.

       Sa aking sarili,
               Sana habang binabasa mo itong sulat ko sayo, sana may maganda ka ng trabaho at natupad mo na ang iyong pangarap. Kung hindi man, alam mo na ang dapat mong gawin. Sa oras na itong aking pagsulat ay wala pa akong ideya dahil hindi ko pa alam ang gusto kong gawin. Sana hindi magbabago ang iyong pananaw sa buhay. Sana hindi mo titigilan ang iyong nasimulan. Sana hindi rin nawala ang pagiging positibo mo kahit na mahirap ang iyong pinagdaanan. Marami mang pag subok ang dumating sayo sana huwag kang susuko dahil ito ang magiging gabay mo sa landas ng iyong tatahakin.
         Sana ay maging malakas na ang iyong loob at huwag ka ng magiging matatakutin sa ano mang oras ng hamon ng buhay. Sana hindi kana natatakot na mailabas ang ninanais mong sabihin. At kahit gaano man kadami ang iyong pinagdaanan marami pa ring magagandang pangyayari na masarap ipagpasalamat sa Poong Maykapal. Sana mula ngayon mas alam mo na ang mga tama sa mali mong paningin at sana ngayon kilala mo na ang iyong sarili.
       Goodluck and Godbless to me!


                               StrongFaithFighter

2 comments: