Monday, 28 January 2019

Pagtapon ng basura kung saan-saan

    Ang pagtapon ng basura kahit saan-saan ay isang uri ng ating gawain na patuloy na nangyayari sa isang komunidad. Isang maling gawain na naging sakit ng iilang mamamayan na kung saan hindi na nila napapatnubayan ang kanilang sarili sa pagtapon ng basura kung saan-saan. Pagbaha, Pagdumi ng mga ilog at paglaganap ng iba't-ibang sakit ay iilan lang yan sa mga dahilan kung bakit nangyayari ito sa ating lugar. Ang pagtapon ng basura kung saan-saan ay nagdudulot ng maruming kapaligiran. Isa sa pangunahing dahilan ng pagbaha ay ang hindi wastong pagtapon ng basura sa tamang lagayan nito. Sa kawalan ng respeto sa ating kapaligiran ay nagdudulot ng kasamaan sa karamihan. Karaniwang makikita sa ating paligid ang mga nagkalat na basura, basurang dulot ay sakit na kadalasan ay bata ang tinatamaan at ang pagbaha sa ating lugar. Halos karamihan sa atin ay nagtatapon ng basura kung saan saan halimbawa na dito ay ang pagtapon ng balat ng kendi na ating pinagkainan, maaaring maliit man ito sa ating paningin ngunit malaki pa rin ang epekto sa atin.
Upang maiwasan ang anumang problema na sanhi ng basura ay dapat tayong gumawa ng solusyon o paraan upang malutas ang ating suliranin sa ating komunidad. Hindi lang naman nagdudulot ng masama ang basura kundi pwede rin itong mapakinabangan. Paano, sa pamamagitan ng recycle o re-use. Ito ang mga dapat nating tandaan:
1. Dapat tayong matutong pangalagaan at pahalagahan ang ating kapaligiran.
2. Dapat nating paghiwalayin ang nabubulok at di-nabubulok na basura. Tulad ng pwede pang mapakinabangan halimbawa, bote na maaari nating gamiting taniman ng halaman para mapaganda ang ating kapaligiran. Yong mga nabubulok naman ay pwesing gawing pataba ng halaman sa pamamagitan ng ibaon sa lupa para mabulok ito.
3. Ang dapat nating taglayin sa ating mga sarili, ang pagiging disiplinado at maging responsable sa lahat ng bagay para sa ating magandang kapaligiran.
Kung may'ron tayong dapat tandaan may'ron naman tayong paraan para masolusyonan ang problema:
REDUCE- Magbawas ng mga bagay na hindi nagagamit para maiwasan ang pagkasira ng ating kapaligiran.
RE-USE - Mga bagay na mapapakinabangan pa na pwedi pang gamitin.
RECYCLE- Mga bagay na ginagamit na pwedi pang pakinabangan ulit.

Ang probelama ng ating komunidad ay maiiwasan kung tayo ay nagtutulungan at ngkakaisa para sa magandang kapaligiran at maiiwasan ang paglaanap ng iba't-ibang sakit na nagdudulot ng panganib sa mga mamamayan.

No comments:

Post a Comment