Monday 28 January 2019

Ang Aking Buhay sa Senior High School

     Ang buhay bilang isang mag-aaral ang isa na yata sa mga pinaka masaya ngunit mapang-hamong parte ng aking buhay. Apat na taon nang ako'y
nag-aral sa Pio Duran National High School, Binodegahan Pioduran Albay bilang isang High School student at doon ko nakilala ang mga kaibigang naging inspirasyon ko sa pag-aaral na apat na taon ko ding nakasama. Ngunit nang kami'y mag-graduate na naghiwa-hiwalay na ang aming landas, yong iba nagpatuloy sa pag-aaral, yong iba huminto muna at yong iba naman ay nagtrabaho muna at isa na ako doon sa mga naghanap ng trabaho, dahil sa hirao ng buhay at walang sapat na pang-paaral ng kalehiyo kaya't nagtrabaho muna ako. Taong 2012 kami nagtapos ng high school at sa taong ito rin ako nag-umpisang nagtrabaho at nakipag sapalaran sa Maynila. Anim na taon akong nagtrabaho at anim na taon din akong naging bakante sa pag-aaral, kaya taong 2018 nagpasya akong
 mag-aral muli, kaya't heto ako ngayon sa Pio Duran National High School -Senior High School nag-aaral at kumuha ng COMPUTER SYSTEM SERVICING(CSS). June 13, 2018 kung saan nagkaroon ako ng bagong kaibigan, bagong environment at panibagong adjustment syempre bago lang ako dito.
              
     Ang buhay ng isang mag-aaral ng Senior High School ay para ring buhay ng isang kolehiyala o kolehiyano, na hindi tulad noon na medyo pa
easy-easy pa ang buhay. Ngayon sobrang dami na ang ginagawa, sunod- sunod na Quizes, Practical Research, Project, Enhancement at iba pa. Araw-araw man na puyatan at pagod ang aking nararanasan hindi ko rin naman masisisi ang mga guro namin sa pagpapahirap na ginagawa sa amin dahil alam naman namin na iyon ay para lang din sa ikabubuti ng aming buhay. "Kapit lang at huwag kang susuko, matatapos ko rin ang Senior High School" yan ang madalas kong sinasabi sa aking sarili kapag nawawalan na ako ng pag-asa. Ang tanging Poong Maykapal ang aking nagiging sandalan sa kabila ng mga pagsubok ng aking buhay. Para sa akin napakaaayang maging isang mag-aaral aubalit kailangan mo munang paghirapan ang mga bagay na bago mo makamit ang isang tagumpay.
     Expected na naming lahat na mahirap ang pagdadaanan naming mga Senior High School, sulat dito, sulat doon, kailangan nito, kailangan niyan, gawa dito, gawa diyan at yong gagawa ka ng school works ng pangmadalian dahil deadline at kailangan mong gawin dahil marami ka pang gagawin. Hay! Hirap diba, pero kakayanin para sa magandang kinabukasan. Minsan nga naririnig ko sa mga kaklase ko na sana daw hindi na sila nag-aral pa keso daw hindi sila nahihirapan, kahit man ako napapa isip nyan pero para sa ngalan ng pangarap hindi ako susuko at hindi ako padadala sa pagod. Ang lahat ng paghihirap ng isang studyante ay isa lang itong munting pagsubok na dapat mong malampasan at dapat mong harapin. Mahirap man ngunit kakayanin para sa magandang hangarin. Tiyaga at pagsisikap ang tanging puhunan ng isang mag-aaral para sa matapos ang pag-aaral.

No comments:

Post a Comment