Monday, 28 January 2019

Para sa aking mga kasamahan

     Hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin at kung paano ako magsisimula, pero ito lang ang masasabi ko, maraming-maraming salamat sa inyo, sa ating pagsasama at sa lahat ng mga ala-alang naiwan ninyo sa puso ko. Dalawang taon tayong lahat nagkasama-sama, dalawang taon ng lungkot at ligaya tayo'y nagkakaisa. Nagsimulang lumipad tungo sa isang pupuntahan ng sama-sama, at kung iisipin kulang ang isang taon nating pagkakasama-sama dahil nong unang hakbang pa lang natin ay iba-iba ang ating silid at ngayong nagsama-sama muli ay nagkaroon ng pagkakataon na mas magiging makulay ang ating samahan. Ilang buwan na lang ang natitira sa atin dahil tayo ay matatapos na at maghihiwa-hiwalay na ng landas. Ang tanging hiling ko lang sana mas lalo pa tayong mag sumikap para sa ating magandang kinabukasan. Salamat sa mga panahon na tayo'y nagbahagi ng katuwaan, ng mga kakulitan at ng mga kalungkutan.
     Sa paglipas ng mga araw at bawat semester na magkakasama ay ating napag alaman na tayo'y pinagkaisa at nabuo ang barkada. Kahit iba't-iba man ang ating personalidad at iba't-iba man ang ating kinalakihan iisa pa rin ang ating layunin. Natutong umunawa sa pagkakamali ng isa, natutong tumawa ng walang pakialam sa iba, at natutong magtulungan sa oras ng pangangailangan. Ngunit hindi rin nawala ang tampuha at ang inggitan, subalit lahat na yan ay lumilipas din. Saksi ang bawat silid na ating pinasukan, ang canteen na ating kinakainan at maging ang faculty office ay hindi rin makatiis na sawayin tayo sa ating mga kakulitan at kapasawayan. Sa dalawang taong pabalik-balik sa paaralan, dalawang taon ding nagpakahirap at nagtiyaga ang ating mga guro sa pagtuturo sa atin para lang maigabay tayo sa tamang landas. Mga paghihirap na ating naranasan at mga sandaling gusto na nating sumuko pero andiyan pa rin sila para gabayan tayo. Mga paghihirap ng ating mga magulang ay dapat nating isakatuparan, dahil dugo't pawis ang kanilang puhunan para lang sa ating pag-aaral. Matuto tayong magpahalaga sa mga bagay na dapat nating pahalagahan.
       Marami mang pagsubok ang ating hinaharap huwag tayong susuko at matuto tayong lumaban, huwag mawawalan ng pag-asa, tiwala lang at palaging magdasal sa Poong Maykapal para lagi tayong gabayan. Huwag nating aksayahin ang mga oras at panahon na pinagkaloob sa atin dapat nating bigyan ng pansin. Sana sa ating pagtatapos at paghihiwa-hiwalay ng ating landas tanging hiling ko lang sana ang mga payo't gabay ng ating mga Guro't Magulang ay huwag sanang kalimutan,upang sa landas ng ating buhay na tatahakin at haharapin ay ating magagamit at mapapagtanto.
     Salamat at mamimiss ko kayo!!!

No comments:

Post a Comment