Simula ng mag-aral ako sa Pio Duran National High School-Senior High at kumuha ako ng Computer System Servicing ay naging mahiwaga na sa'kin ang mga bagay na nakakapaloob dito. Nakaka excite na nakakakaba dahil may halo-halong emosyon ang namumuo sa aking puso't isipan. Excitement dahil marami akong makukuhang kaalaman at magkakaroon ako ng magandang karanasan na hindi ko malilimutan. Nakakakaba dahil umpisa pa lang napapaisip kana ng mga bagay-bagay na nagbibigay katanungan sa puso't isipan. Simula pa lang ito ng aking paglalakbay at wala pa akong maayadong kaalaman kung ano nga ba at bakit ako naglalakbay? Pero habang nasa biyahe ako at lalong tumatagal naliliwanagan ako sa mga katanungan na bumabalot sa aking puso't isipan. Sabi nga nila simula pa lang ito ng aking paglalakbay at marami pa akong pupuntahan, dahil andito pa lang ako sa simpleng destinasyon na pa easy-easy pa lang wala pang "challenges" ang nagaganap. Umpisa pa lang ng pagtakbo ng sasakyan tungo sa aking pupuntahan isang paglalakbay na masasabi mong "full of consentration and focuses" na huwag kang basta-basta hihinto kung alam mong wala ka pa sa lugar ng iyong bababaan.
Ngayong nandito na ako sa kalagitnaan ng aking biyahe masasabi kong nakakapagod na nakaka excite. Yong tipong kahit pagod kana at hirap kana, na parang gusto mo ng bumababa at huminto sa biyahe para lang hindi kana mapagod pero hindi mo pa rin magawa dahil may nag-aantay sayo sa dulo ng iyong destinasyon. Marami mang lubak-lubak ang madadaanan mo pero para sa ngalan ng pangarap kakayanin at titiisin pa rin para lang maabot ang isang lugar kung saan hindi mo pagsisisihan. Boring man minsan ang aking biyahe pero tuloy pa rin ang laban dahil hindi mo naman maiiwasan ang ganitong sitwasyon.
Sa isang paglalakbay dapat handa kang umunawa, magtiis, mag-adjust, magbalansi at habaan ang iyong pasensya dahil hindi mo matatakasan ang mga bagay na kapag susubukin ka ng iyong panahon. Umulan man o umaraw tuloy pa rin ang biyahe, huwag mong iisiping mainip sa biyahe kahit malayo pa ang iyong pupuntahan,dahil walang tagumpay na nakukuha sa madaliang paglalakbay,lahat pinaghihirapan at pinagpapaguran at dinadaan sa mahabang proseso. Kaya't habang nasa paglalakbay ka dapat mag-enjoy, mag relax, mag aliw ng may pagpapahalaga. Kapag narating mo na ang iyong destinasyon malalaman mo na lang na kahit sobrang haba pa ng iyong biyahe taos puso mo pa ring naabot ang iyong paruruunan ng hindi mo namamalayan. Kaya't sa hamon ng buhay tiwala at tiyaga ang kailangan tungo sa magandang kapalaran.
No comments:
Post a Comment